Monday, February 13, 2017

The feeling of Graduating

Hi! This is my next blog for today.



Ano nga ba ang feeling ng graduating? Lahat naman siguro tayo nangangarap makagraduate ng college kasi syempre makakapagtrabaho na tayo, makaktulong na tayo sa parents natin at makakapunta na tayo sa mga lugar na vgusto natin mapuntahan at mabibili na natin lahat ng mga gusto natin. Una, naisip ko kung paano mapagsasabay ang thesis at OJT kasi nakita before na parang ang hirap pagsabayin kasi syempre thesis na yun. Mahirap at the same time may OJT ka pa na kailangan mo din matapos on time habang nagawa ng thesis kung hindi ay babagsak ka at kailangan mo yun ulitin next sem, mas mahirap at hassle di ba? Nakikita ko kasi dati sa mga friend sko na na college last last year na may thesis at OJT feeling ko super hirap kasi nakikita ko sila kung pano sila medyo nahirapan siguro, tapos napaisip ako na "what if ako na yung nasa posisyon nila?" "kaya ko kaya?" Yung feeling na iniisip mo kung kaya mo pagsabayin tapos may ilang subjects ka pa na majors na syempre kailangan mo din maipasa kasi GRADUATING ka na. Maraming bagay ang naiisip ko before and last year nga, nag simula na ko ng OJT at THESIS.


Nung nagstart ako sa OJT sa UPLBCDC, naging okay naman. Mabait yung head namin or boss ng Administrative Section at syempre lahat sila sobrang bait nila samin. Unang araw namin, nakakausap namin sila, super okay sila makatrabaho kahit OJT lang ako/kami sa kanila. Parang part na kami ng UPLBCDC. Yung experience ko sa OJT ay natuto ako kung pano pa mas magmanage ng time, pinagtry nila kami mag encode ng mga members ng CDC at naexperience ko din ang makapag assist sa mga activities nila sa office. All in all masaya experience ko sa naging OJT ko.

Experience ko naman na may thesis, okay naman. Sa una medyo nahirapan kami, nahirapan umisip ng topic ng on the spot, on the spot na kasi kami mismo nag isip ng topic kasi kala namin madali lang (hahahahaha πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚) Nung okay na, may topic na kami, nahirapan naman kami syempre pano sisimulan yung topic na naisip namin, pano sya kakapal (yung parang pano sya magiging libro na talaga) basta kung pano namin sya matatapos ng on time. Thank God naman, kasi syempre nasimulan namin sya kahit na may OJT kami, nakakapagpasa kami on time sa deadline ng pasahan. Minsan di kami nakakapag OJT pala, kasi gawa ng deadline, mabait naman si Ma'am Paz kaya pinapayagan nya kami di muna makapasok dahil dun. Hanggang sa dumating ang 2nd sem, mas mahirap ang thesis dahil medyo duguan sya kumpara sa 1st sem. Naranasan ko mag overnight ng 2x para matapos ang thesis at makaabot sa deadline para hindi kami mag re-enroll. Maramin man naging problema, naayos naman agad, tulad ng hindi namin nabalance yung sa financial aspect namin, hanggang sa 4pm na hindi pa kami tapos and then nagdecide na kami at adviser namin na ipaprint na kesa malate kami makapag pasa. At ayun nga umabaot kami sa deadline.

Super thank you dahil natapos namin ang thesis namin, nakapag final defense kami at ngayong taon, eto yung feeling na gagraduate na kami. Eto yung masasabi kong SUPER SUPER EXCITED NA AKO MAKAGRADUATE AND FINALLY magbubunga ng malaki yung lahat ng paghihirap ko at lalo na ang paghihirap ng parents ko na gustoong-gusto nila mangyari, ang makatapos din ng college! πŸ’—πŸ˜ Syempre dahil din to kila mama at papa na nagpaaral sakin hanggang college at eto ngayon masusuklian ko na yung mga paghihirap na nilaan nila sakin.





Yung feeling ng graduating? AS IN SUPER HINDI KO MAEXPLAIN SA SOBRANG OMG BES! Totoo na ba to? Mangyayari na ba talaga to? Ayan yung tanong ko pa din as in superrrrrrrrr. Yung feeling talaga ng graduating hindi ko maexplain, kasi finally di ba? Iba kasi yung feeling pag high school graduating ka e, masaya ka. Pero yung bilang college graduating, super duper mega ultra sarap sa feeling kasi mangyayari na talaga syaaaaaa mga bessy πŸ˜πŸ™Œ Kasi nakaya ko mapagsabay yung OJT at THESIS at MAJOR subjects ko!!! πŸ’–





The best feeling ang maging graduating student sa college, sobra sobraaaa! 




Super thank you sa mga friends ko, family, sa mga profs, at sa lahat ng tumulong samin sa thesis namin! :)



THANK YOU!

No comments:

Post a Comment