Wednesday, January 25, 2017

Dream Wedding

Sup guys! New blog again and it is about "My Dream Wedding"


Dream wedding ba kamo? Maganda at bonggang gown? Mamahaling heels? Magarbong reception area? Lahat kailangan mamahalin? Siguro ilan yan sa mga pangarap ng isang babae sa kasal nila. Syempre isang beses nga lang naman kinakasal ang mag boyfriend at girlfriend bakit nga naman hindi pa bongga di ba? Tipong dream wedding talaga ang datingan. 


Pero yung dream wedding ko simple lang.


Church wedding. Part yan ng dream wedding na gusto ko, sa simbahan ikasal. Mas gusto ko ang church wedding kesa sa ibang wedding. Oo dream wedding ang usapan, pero mas dream wedding kapag sa church talaga kinakasal. Sobrang iba at saya sa feeling pag ganitong wedding super dream wedding to para sakin. Simpleng wedding lang ang gusto ko, basta kasama ko family ko pag nangyari yun at family ng magiging asawa ko 💕


Sobrang simple lang ng dream wedding na gusto ko, buo pamilya ko at pamilya ng mapapangasawa ko okay na dun.


Yung mga gowns, heels at iba pang gamit pang kasal ay gusto ko yung hindi masyadong mamahalin, yung mga gagamitin sa kasal yung kaya lang ng budget. Kahit pa dream wedding ang usapan gusto ko simple lang at basta sa simbahan ikakasal sobrang saya ko na.


Hindi naman siguro mahalaga kung bongga o sakto lang ang kasal, ang importante maikasal ka sa taong gusto mo talaga pakasalan at sa simbahan to mangyare.


Eto yung mga sample na pictures na gusto ko sa kasal ko.




Wedding church design

Syempre ang gusto ko maghatid sakin sa altar ay si mama at papa, dahil isa din yun sa mga pangarap ko pag kinasal ako. Sila mismo ang maghatid sakin sa pinakamasayang araw ng buhay ko at gusto ko kasama ko sila mismo sa araw na mangyayari to.


Wedding gown

Kahit hindi ganito kabongga basta okay lang pero yung design ng gown na yan gusto ko. Sa magiging asawa ko, sya na magdedecide ng susuotin nya.


Wedding flower

Wedding flower gutso ko ganto at may touch ng light purple.


Bridesmaid gown

Para naman sa bridesmaid, alin man sa mga designs na yan ang gusto ko.


Wedding invitation

Eto naman ang magiging wedding invitation sa kasal ko.



Wedding car


Wedding Reception


Wedding ring


Wedding souvenir


Hindi magiging dream wedding ang kasal ko kung hindi si mama at papa ang maghahatid sakin. Mas magiging dream wedding ang kasal ko pag buo ang pamilya ko at ang pamilya ng taong papakasalan ko at magiging part ng buhay ko.


Ayun lang at salamat sa mga nagbabasa ng blogs ko! Godbless always 😘

No comments:

Post a Comment